Gaano nga kaya katotoo ang mga signs? Sila nga kaya ay mensahe mula sa langit, O di naman kaya ay dulot ng mapagbirong pagkakataon, O sila ay sadyang gawa-gawa lamang ng mapaglarong kaisipan? Mahirap ipaliwanag. Mahirap maintindihan. Maraming mga katanungan ang kailangan pang masagot upang mapatunayan kung ito ay dapat paniwalaan o kailangan ng isantabi… Kadalasan, ang mga signs na ito ay ginagamit natin upang muling bigyang kulay ang ating mga buhay pag-ibig. Pangkaraniwan na nga ito sa mga kabataan ngayon lalo na sa mga kababaihan. May mga pagkakataong nabubuo ang isang relasyon dahil sa paghingi- hingi ng signs at maaari din namang ito na ang magwakas sa isang ang magandang samahan. Ako ay isa sa marami sa inyong nakaranas na ng mga kakaibang pangyayaring may kaugnayan sa signs. At kahit ako ay nahirapang paniwalaan ang mga sumunod na kaganapan pagkaraan kong humingi ng signs. Minsan kasi sang-ayon ito sa gusto mong mangyari ngunit napakaimposible at malayo na sa katotohanan. Minsan naman ito ay salungat sa iyong iniisip kaya kay hirap tanggapin at tila ba inaalisan ka na ng karapatang umasa pa. Sa isang pag-uusap namin ng aking kaibigan,ikinuwento ko sa kanya ang karanasan ko sa signs at pagkaraan ay binuksan nya ang kaisipan ko at ibinalik ako sa realidad sa pamamagitan ng pagsasabi ng ganito: Masyado mo lang binibigyan ng meaning ang mga simpleng pangyayari pero sa totoo lang, wala naman itong gustong ipahiwatig. Hindi mo dapat gamitin ito para diktahan ka kung ano ang dapat mong gawin dahil mababaw itong batayan. Napaisip ako at nasabi ko sa aking sarili na tama nga siya. Hindi ko dapat inaasa ang susunod kong gagawin sa aking buhay sa napakabababaw na signs na yan dahil kahit kanino ay pwede naman itong mangyari. Hay, ang mga hopeless romantic talaga, ang hilig sa signs! hehe
all swirled up;
8:34 PM
